Tuesday, August 9, 2016

ISANG TAON NA PALA

ISANG TAON NA PALA

Parang ninakaw lang ng mga araw ang mga masasamang gabi naten
ang sarap isipin na gigising nanaman tayo na nagmamahalan padin
mahal kita, mahal mo ako
may tatlong bibe na nakabato
(sorry wala na akong marhyme)


Nag simula ang lahat sa cake na to diba?
kunwari ka pang magpapagawa eh
nilalandi mo lang talaga ako noon haha
yan ung unang cake na natikman mo


Ninja moves ka din eh
Kunwari magpapaturo magbake
yun pala tinitignan mo na mga ABS ko
sorry pero conservative ako noon


Tas yun din naging tayo isang taon na ang nakaraan
sinagot mo ako noong gabi na naramdaman mong kaya mo na magmahal ulit
sinagot mo ako nung oras na kaya mo na ilatag lahat sa langit
inaalay mo sakin ang puso mo ng walang kulang... walang sabit


"Di ata tayo bagay"
"Di tayo parehas mag isip"
"Di ata tayo magtatagal"
mga sinabi naten sa isa't isa noong bago pa tayo


Umabot tayo sa stage na "UNLOCK"
alam mo ba ung "UNLOCK" ?
yun yung feeling nating dalawa na 
Unlock-i nating tanga


Pero nalagpasan natin lahat ng iyon
ang mga sigawan naging yakapan
ang mga simangot naging mga ngiti
ang mga pagdududa naging pagtitiwala


Mga efforts natin sa isa't isa
unti-unting nagbubunga
mga bagay na tingin naten ay masaya
ginagawa mapangiti lang yung isa


Kung saan saan na tayo napunta
Kung saan saan na tayu naging masaya
Iyakin ang pangalan na tawag sayo ng unan mo
bungisngis naman ang tawag sayo ng mga tao


Tandaan mo ang mga araw na ganito tayo kasaya
mga araw na di na naten alam kung bakit tayo tumatawa
mga araw na halakhak natin ang naririnig ng mga kapitbahay
mga araw na natutuwa kahit mga patay


Sinuportahan mo ako sa aking bawat pagsulong
sinuportahan mo ako sa bawat lungkot na dumaan sa buhay ko
sinuportahan mo ako sa bawat pag iri ko
Sinuportahan mo ako sa bawat pighati ko


Ang sarap ng feeling na ipagluto ka
Ang sarap ng feeling na masaya ka
at masaya din ang tyan mo
ang saarap ng feeling na makita kang nakangiti


Halos isang taon ka din nangolekta ng mga Panda
kasi PANDA ang unang tawag ko sayo noon
Kasi rhymes with Wanda
And youre so maganda
and short for PANDAK



di ko alam kung ano ang nagawa ko sa buhay para ibigay ka sakin ni God
Di ko alam kung anong karma ang nagawa ko noon at napasakin ka
hindi ako nagtatayp ng "Amen" sa mga post na may mukha ni Jesus
di din ako nag lilike sa mga 1 like = 1 prayer
Pero bakit tinupad padin ni God ang aking hiling


Mahal kita kahit magbago bago pa ang iyong mukha
kahit pumayat ka man o tumaba
may braces man o wala
mahal kita kahit lumiit pa ang iyong mata


Mahal kita gang tayoy tumanda
gang maging senior citizen na ang pamasahe at mukha
mahal kita gang tayoy makalimot
makalimot ng mga araw ng sakit at poot



mahal kita kaya sanay ikaw ay aking napasaya
isang taon na pala 
bat parang di naten nahalata? 






No comments:

Post a Comment