Monday, May 11, 2015

BERNARDITA EVANGELISTA GERONIMO CABUANG CRISOSTOMO


"BADETTE"

akda ni : Buangoi


Ayaw niyang makita namin ang magagaspang niyang kamay
kakahanap ng pera para makasilong kami sa isang bahay
'Di niya hinahayaang magulo ang buhok habang naghahanap buhay
Ganyan ang buhay niya noong namatay ang aming tatay

Dalawang anak, walang ama, isang nanay
tatlong bunganga, isang pares ng paa at kamay
Isang bahay, dalawang tuition, walang karamay
isang milliong diskarte sa buhay, wala ni isang aray


Paano mo nagagawang na lahat ng bagay ay mapagsabay?
Paano mo kami namamahal ng pantay pantay?
Bakit lagi na lang ako nalulungkot kapag wala ka sa bahay?
pero kapag andyan ka na nawawala na ang tamlay

Dumaan ang mga taon na kami lang ni ate ang iyong minahal
Mga taon na ikaw lang ang nagturo saamin kung paano magdasal
mga taon na ikaw lang ang nag gabay sa aming pagaaral
kaya di ko din masisi na naghanap ka ng ibang Mahal



Nakita kong siya ay muling gumiti at tumawa
 umiyak sa saya at lumundag na parang bata
mga emosyon na hindi ko kayang maibigay sakanya
mga emosyon na ibinigay sakanya ng bago niyang asawa

Kayod sa umaga, pagaalaga sa gabi
Araw araw yumayakap, mapasaya lang kami
"mahal ko kayo", yan ang lagi niya sinasabi
bat nga ba pagnakikita kita ako'y napapangiti?


Bakit madalas na akong naka-nguso?
may bagong bata na dumedede sa iyong suso
di na ako ang hawak mo na malapit sa iyong puso
dahil yun na ang araw na dumating na ang bagong bunso

ang nanay ko ang pinaka maganda
ang nanay ko ang pinaka masaya
ang nanay ko ang pinaka malakas
hangang sa isang araw na ang katawan niya ay nagaklas


dumating ang mga araw na katawan niya ay di na gumagana
isang apdo, dalawang kamay at paa
di na makapulot ang sampung daliri niya
malabo kaya naoperahan na ang kanyang mga mata


pero maliban sa sakit na iyong nararamdaman
di mo nakalimutan na ikaw padin ang ilaw ng tahanan
ngumingiti ka padin at patuloy na lumalaban
araw araw mo padin kami tinuturuan kung paano magmahalan


mamahalin ka namin kahit di ka na makalakad
mamahalin ka namin kahit di ka na makapagsalita
mamahalin ka namin kahit araw araw kitang paliliguan
mamahalin ka namin kahit di mo na mahawakan ang aming kamay
mamahalin ka namin kahit araw araw mo kaming utusan
mamahalin ka namin kahit kailangan na kitang buhatin pataas ng hagdan
mamahalin ka namin kahit di mo na kami makita
mamahalin ka namin kahit di ka na makatalon
mamahalin ka namin kahit di ka magpantalon




tawa ka lang palagi mahal naming ina
ngiti mo pa lang, pagod namin ay nawawala
i love you, mahal kita kahit anong lenguahe pa
payakap naman oh , pag itoy nabasa mo na :)

No comments:

Post a Comment