Sunday, September 21, 2014

THE HUNGRY MAN





Ngayong araw na to ay nagsimula na akong maging vegetarian, tinitignan ko ang aking kapasidad sa pagkain ng gulay. Para sa mga hindi pa nakakaalam ng mga food preferences ko, ito lang yan, madali lang naman ako pakainin, kahit ano naman ihain sa table ok lang sakin, wag lang isda, crab, o kaya kahit na anong lumalangoy at gulay.

So ang pagiging vegetarian ko ay isa sa mga pinakamahirap kong decision na ginawa sa buhay ko, Ginagawa ko ito dahil mahal ko ang sarili ko at feeling ko ay gabi gabi ng papalapit ng papalapit si kamatayan sakin kapag di ko pa ito ginawa. 

Sa aking unang araw nakalimutan kong vegetarian ako nung almusal kaya kumain ako ng longanisa. hahahahha!! 

So naisip ko na bumawi na lang sa lunch, nag hain sila ng pritong Liempo at Pakbet. naglalaway na ako sa Liempo pero hinigop ko lahat ng laway kong tumulo at kinain ko ang pakbet na nakahain sa harapan ko. di ko man lang tinikman ang liempo, pinannindigan ko ang aking sinabi sa pagiging vegetarian.

So nung mga alas kwatro na, sobra na ang gutom ko, eh nasa Simbahan pa naman kami, Umutang ako ng pera sa ate ko at lumabas saglit...

Ito na ata ang pinaka mahirap na desisyon na ginawa ko sa unang araw ko na pagiging vegetarian, naglalakad ako at natakam ako sa Chicken skin na niluluto sa labas ng simbahan, may kasama pa itong paborito kong atay na nilagyan ng breading at binudburan ng mantika sa ibabaw... so Naglaway nanaman ako, pero tulad kanina, hinigop ko ulit ang laway kong lumabas <SLURPP!!>  at bumili ako ng Saging na lakatan... binalatan ko ang saging at inisip kong yun ang fried atay na nakita ko kanina, at naging rason kung bakit naging weird ang tingin sakin ng tindera ng saging dahil sa pagkain ko ng saging ng medyo nakakaakit. Weird nga... nawala ang gutom ko pansamantala at bumalik na ako sa simbahan para abutan ko kung ano man ang maabutan ko sa Misa.

Ang sermon ni Father kanina ay tungkol sa parable ng mga workers "the First shall be the last and the last shall be the first". Natuwa ako sa Sermon ni Father kaya medyo nawala na talaga ang aking kumakalam na sikmura. 

Nang makarating kami sa sasakyan naramdaman ko nanaman ang aking gutom sanhi ng aking katangahan sa hindi na lang pagkain ng kanin kanina. Bobo kasi ako, wala akong imaginary friend para gabayan ako sa mga desisyon ko sa buhay. 

Nagtanong si Papa, "San tayo kakain?", "HaLiVee!! <sabi ng pamangkin ko na tinutukoy si Jollibee>

"Gusto mo heart dun sa malaking Pizza?" sabi naman ng tatay ko sa nanay ko na tinutukoy ang Calda's Pizza, isang Pizzaria na nag seserve ng sobrang laki na Pizza.

"Agko labay heart, diman lad arom" <ayoko Heart, dun na lang sa iba> sabi naman ng nanay ko habang nagiisip kung saan nila kami papakainin... sa totoo lang madami pa ata silang sinabi na restaurant at mga specialty nilang dish, sinabi pa ata ng ate ko na gusto niya kumain dun sa Caloy's <specialty: lahat ng luto ng kambing> sikat yan dito saamin, kaso ayaw din nila dahil baka daw baha ang daan dahil sa bagyong Mario na kamakailan lang naparaan saamin. Hindi ko na napakingan yung iba dahil sa gutom ko, tinulog ko na lang para di ko marinig ang mga pagkain na nag sanhi ng panginginig ng aking mga kamay at pamumutla ng aking mukha.

"Sa Silantro na lang tayo" sabi ni mama, Ang Silantro ay isang Fil-Mexican Restaurant na sikat din dito sa lugar namin, masasarap ang mga pagkain dun tulad ng Taco, Nachos, Mahimahi, Quesadillas at Buritto, wala atang gulay dun pero nung narinig ko ang Silantro, nawala na ang aking dangal na pagiging vegetarian, gusto ko ng kumain ng baboy at beef!!! gusto kong sirain ang bawat karneng mahawakan ko gamit ang ngipin ko, budburan ng maanghang na sili lahat ng makitakong baboy at beef, kaya di muna ako tumitingin sa salamin. sumobra ang gutom ko...

Iniisip ko na kung ano ang kakainin ko, kung ano ang oorderin ko, halos memorize ko lahat ng karne sa menu nila. at matapos ko maglaway ay naisip ko na na oorder ako ng "BURGER" . kung alam niyo kung gaano kalaki ang burger nila, sabihin nating isang sukat sa kamay ang laki nito, at tumutulo ang cheese sa tabi ng burger na to, isang inch ang isang patty nito... but wait there is more!!! double patty siya !!! may malalaking fries sa gilid at may choice ka sa sauce ng Avocado, Garlic at Chili sauce. Yum... naiisip ko nanaman.. nagugutom nanaman ako...

So dumating kami sa Silantro... pagkababa ko inamoy ko ang simoy ng hangin ... pumasok kami sa loob ng restaurant... at inamoy kong muli ang simoy ng baboy... ang sarap!!! naamoy ko na ang pagkain na pumapasok sa bunganga ko... Wala pang upuan sa loob kaya umupo muna kami sa labas, nag bigay ang waiter ng menu.. kinuha ko lang ito at kunwaring hindi ko pa alam kung ano ang oorderin ko.. nung tinignan ko ito nalito pa ako kung ano talga ang oorderin ko dahil sa nakita kong tacos... pero hindi.. sabi ko sa isang lalaking lalaking boses.. "Burger po saakin" ...

So nagusapusap sila ulit at pinagalitan ng tatay ko ang waiter dahil hindi niya sinusulat ang order "isulat mo tas ulitin mo ang order mamaya sakanila" Pinayuhan ng tatay ko ang waiter sa pagkuha niya ng order namin at nagyosi siya saglit. nakita ng nanay ko na hindi niya sinusulat.

"bakit hindi mo sinusulat order namin?" tanong ng aking nanay...

"okay lang po, nakuha ko naman po, alam ko po" sabi ng matalinong waiter.

"sige pakiulit nga lahat ng inorder namin" sabi ng nanay ko..

"ahhh, quesadillas... tapos po... ahhh <silence>" sabi ng waiter

"oh tignan mo yan, isulat mo kasi" sabi ng nanay ko ulit sa matalinong waiter. Naglabas naman ang waiter ng ballpen at tissue sa loob ng kanyang bulsa, kunwari niyang sinusulat ang mga inorder sa papel, nakikita ko naman kung may sinusulat talga siya, gusot pa ung tissue niya kaya wala talaga siyang sinulat. 

Binigay ulit ang order sa matalinong waiter... "BURGER saakin kuya!" inulit ko ang order ko dahil hindi niya sinabi.

"opo, burger po kay sir" yan naman ang tugon niya sa sinabi ko, nagusap muli sila ng nanay ko at mga kapatid ko habang iniimagine ko na kung paano ko kakainin ang burger na inorder ko...

uunahin ko ang fries.. isasawsaw ko sa lahat ng sawsawan na available at lalamunin ko lahat ito.. pipitpitin ko ang burger hangang sa magkasya na ito sa bunganga ko at kakagatin ko ito ng malalasahan ang lahat ng juice neto sa loob, ang beef ang garlic, silatro at cheese na nagsamasama pa sa iabgn juice ng burger na ito... naglaway akong muli... 

nakaupo nadin kami, at binigyan kami ng mga tubig na may lemon sa loob... sarap! kinain ko ang lemon sa loob , haha, masarap eh.. naamoy ko nanaman ang pagkain...

unang dumating ang Fries na inorder, appetizer lang yan, sumunod ang masarap na beef nachos... hindi ako kumakain ng mga ito dahil feeling ko hindi ko mauubos ang burger kapag lumamon pa ako ng ibang putahe, sumunod ang pagkain ng kapatid ko, ang masarap na masarap na Quesadillas, tapos sumunod ang pagkain naman ng kasama namin sa bahay, inorderan siya ng napakalaking Burrito, malapit na siguro ang burger ko... 

Dumating ang Taco na inorder ng bayaw ko, Beef/Lengua ang laman, natakam ako, dumating din ang Taco ng tatay ko pero mali ang binigay na order, ibinigay sakanya ay Pork/Lamb, eh ang inorder niya ay Pork/Lengua, nadismaya siya at binalik ang order. tapos dumating ang Seafood Skewered na inorder ng nanay ko at ate ko, barbecue ito ng pusit at shrimps. gutom na talaga ako at tinira ko ang konting fries... 

Dumating din sa wakas...ang binalik na taco ng tatay ko... binuksan niya ito kung tama ang binigay sakanyang Taco at tinangal niya ang gulay at binigay sa nanay kong mahilig sa gulay... 

Napansin kong patapos na silang lahat kumain... kaya naisipan kong sabihin ito...

"Kuya pa follow up naman ng burger"

tumugon siya ng gamit ang universal sign ng pagtugon sa tanong.. ang pag iling ng taas baba...

matapos ang 15 mins.. wala padin ang order ko... wala na akong marinig... pinapagalitan na ng nanay ko at tatay ko ang waiter... 

"pakicancel na ang order ko.. kakainin ko na lang kung ano ang tira dito.."

may tirang 4 na kagat na burrito ang kasama namin,... yun ang tinira ko.. after 5 mins "sir palabas na po ung burger gusto niyo pa po ba?"

sa sobrang inis ko, gusto ko na umuwi... "pakicancel na .. ayoko na, nawalan na ako ng gana" yan ang sinabi ko sa manager kahit na gustong gusto ko talagang kainin pa ang burger... 

naiinis ako sa waiter, nalaman kong nung finollow up ko ang order ko, dun laman niya pinasalang yung burger ko na hindi ko nakain... sabi kasi isulat...

umuwi akong gutom ... kumain ako ng tinapay pagdating dahil wala rin kaming kanin...

naalala ko pa na ako ang unang nag order... natawa ako... 

tawa ako ng tawa... hahahha!

dahil ito ang naalala ko


"THE FIRST SHALL BE THE LAST AND THE LAST SHALL BE THE FIRST"

Friday, September 19, 2014

ANO NA LANG MABIBILI MO SA BENTE PESOS?




ANO NA MABIBILI MO SA BENTE PESOS?

  1. Pamasahe papuntang Dagupan, Marlboro Gold at isang Monami
  2. Sparkle, Marlboro Gold, 2 Pan de coco
  3. Isang oras ng internet, Marlboro Gold at Snowbear
  4. Sampung Fishball, 2 Isaw, Marlboro Gold, 3 pisong palamig at dalawang Monami
  5. Isang takal ng Pinakbet sa Karinderia ni Aling Lorna.
  6. Kalahating Haircut
  7. 15 pesos load at isang Fortune lights
  8. 1 oras ng pagcharge sa 7/11 at isang sparkle kay aling Lorna
  9. 1 faber castel na ballpen (0.5 LV5)
  10. Pitong Atay na nabibili sa Likod ng Magic club Lingayen.
  11. Isang manok sa Kanto Fried Chicken
  12. maliit na French fries sa City mall
  13. Isang tissue papper at entrance sa public CR sa Baguio.
  14. Isang lalagyan ng Lisensya sa LTO
  15. Isang kupado sa Dagupan
  16. 4 items sa palengke na may paulitulit na taong nagsasalita sa maliit na speaker ng “Limang piso, Limang piso, lahat ng klase Limang piso, samantalahin niyo habang maaga pa.
  17. Half pack ng Marlboro Gold... <kung wala pang Sintax law>
  18. Isang Extra rice at kalahating sukat ng pinakbet sa tindahan ni Aling Nena.
  19. Cornetto
  20. Dalawang mansanas sa baba ng Session road
  21. Isang Taya sa Lotto <6/49>
  22. dalawang Kamoteng kahoy
  23. 2 Lumpia at Sparkle/Pop Colo
  24. 1 Fudgee bar, 1 Coke at isang Marlboro Lights
  25. Isang Wow ulam
  26. C2 500ml
  27. Isang Oras na Dota at Limang stick-o
  28. Isang Dr. P na diaper
  29. 4 na token sa Worlds of Fun
  30. 1 ponds cream na nasa sachet, at 1 pancit canton
  31. 5 dragon seeds, 5 chikito, 2 monami, 4 na snowbear at 1 Marlboro Lights
  32. kalahating kilong kamatis
  33. isang damit sa ukay-ukay, dalawa kung maswertehan mo ung mga double dead na damit
  34. Frenzy
  35. 2 brief sa Divisoria
  36. 1 Head and Shoulders sachet at Safeguard na maliit
  37. Isang order ng Siomai sa Master Siomai
  38. Cheez it, Loaded at Funchum
  39. Whole rice, Spork, Sabaw, 1 Siomai at Candy o kaya half rice at 2 siomai tas magkamay ka na lang
  40. Ensaymada
  41. Coke kasalo
  42. 1 donut sa panaderia, 1 yosi
  43. Buttered corn sa Mines view
  44. Buko
  45. 2 rice at sabaw
  46. Butter coconut at Funchum
  47. 1 Bananacue at 10 Almon de gas
  48. Kitkat at 2 yosi
  49. limang Pisong Buko Juice, 4 na almon de gas, 6 na fishball, 5 kikiam, 1 Marlboro gold at 1 snowbear
  50. 5 pisong couponbond, 1 Mongol #2 pencil at Imagination

Sa panahon ngayon madami ka pading mabibili sa Bente pesos mo. Depende na sayo kung bitin o hindi. Minsan naman hindi lang pera ang nakakabili ng mga bagay bagay diba :) nasa diskarte din naman kasi yan minsan :)




Wednesday, September 17, 2014

ANO NGA BA ANG PAG IBIG (as explained by Buangoi)






Ano nga ba ang PAG-IBIG ?

Sa dami ng tao sa mundo, ganun din karami ang definition ng Love sa mundong ito... o baka mas madami pa. Marami din ang klase ng pagmamahal, pagmamahal sa kotse, pagmamahal sa pusa, pagmamahal sa aso, pagmamahal sa asawa, pagmamahal sa pagtatalik at madaming madami pang iba.

Kung tutuusin, lahat naman tayo gustong makatikim ng pagmamahal/pag-ibig, pero karamihan saatin ay hindi alam kung paano. So sa dami dami nating mga tao na gustong makatikim ng pagibig, karamihan saatin ay hindi pa nalalaman kung ano nga ba talaga ang "PAGIBIG" .

Ano nga ba?

...

Halos lahat tayo ay naimpluwensyahan ng kung ano man ang definition natin ng pagibig... ang kaisipan natin sa pagibig ay nangagaling sa mga napapanuod nating Drama, Romantic Comedy, mga napapakingan nating kanta, mga kwento ng pagibig tulad ng mga fairy tales at mga nababasa natin sa internet at libro.

Dahil sa pagiisip natin ng mga ganyang definition tungkol sa pagibig.  Yan din ang nagiging rason kung bakit tayo malimit na nasasaktan sa pagibig. Gumagawa tayo ng sitwasyon kung saan gusto nating matikman kung gaano kasarap ang mahalin ni Coco martin sa pelikula. Nageexpect tayo na maging mala Dao Ming Su sa diskarte ang mga galawan sa panliligaw ng mga lalaki. Hindi niyo man aminin pero yan ang impluwensiya ng mga nababasa at napapanud ninyo sa pagibig ninyo. Yan din ang malimit na rason kung bakit ka nasasaktan sa pagibig... dahil nageexpect ka.

Ang ideya na ito ay maraming lamat, Madaming kapintasan, Madaming pagkukulang, in short... Hindi ito perpekto... nakabase lamang ang ideya na yan sa pagmamayari mo sa pagibig at kasakiman mo dito... in short, selfish ka...

"Mahal kita... kaya lahat ng status mo dapat para saakin... ang prof pic mo dapat tayong dalawa o dapat tungkol sa ating dalawa na masaya ka... dapat yung dinodrawing mo ako... dapat tinetex mo ako kada segundo para malaman ko kung ok ka lang... kasi nga mahal kita..."

Alam niyo naman na siguro kung ano na ang tawag sa Pag-ibig kuno na yan...

Clingy... clingy ka, possesive ka. Para saakin narcissistic ka din kung clingy ka dahil lahat na lang gusto mo tungkol sayo. Hindi ko masasabing hindi yan pag-ibig... pero kinaclassify ko yan sa mga pagibig na hindi puro.

Ganito ... Gusto ko magisip ka ngayon ng isang taong kinamumuhian mo talaga...

karamihan saatin ay sasagutin ay mga EX nila.

bakit?

kasi dati mo siyang minahal... kasi dati mo na siyang kasama kumain ng fishball sa daan, chicharon bulaklak hangang sa sumakit ang mga batok ninyo, kaholding hands sa mall, kasama mong bumili ng napkin sa sarisari store, with wings pa, siya yung ginawan mo ng love letter nung subject mo sa Physics. Minahal mo siya...

Eh bat ngayon ayaw mo na siyang makita? ayaw mo na siyang makasama? bakit ang bilis naman ata ng transition ng pagmamahalan sa pagpatayan...

Talking about patayan, Alam mo ba na karamihan sa mga nagpapatayan ngaun o mga murder ay tungkol sa mga magasawa? madami nading rape, mga magsyota na nagpapatayan... meron pa akong nabasa na pinatay niya yung anak nila tas pinost sa FB ung patay nilang anak. Meron din yung ninakaw niya sa morgue ung girlfriend niya tas pinost niya sa lahat ng subscription niya sa mga social media.

Bakit bigla na lang nagiging Hate ang Love?

kasi hindi love yun.

karamihan sa mga  nakatikim na ng pagibig... ay naadik sa feeling na ito. Gusto mo laging may kasintahan, dahil naadik ka sa feeling ng pagibig... kaya hindi ko masisisi ang mga taong mabilis makahanap ng kapalit. Ayaw mo mabakante dahil gusto mo yung feeling na laging may nagmamahal sayo.

May mga tao din na hindi makamove on kahit ilang taon na silang break ng huli nilang kasintahan. Umaasa na maibabalik pa nila ang dati nilang pagmamahalan. Ito ang bad news ko para sa mga tao na yan. Hindi mo na maibabalik yun... "Love is dynamic" lagi yan nagpapalit, lagi nagbabago, ang definition mo ng love ngayon ay magbabago din over time. Hindi yan permanente, isipin mo na lang kung ano ang definition mo ng Love noong 7 years old ka pa lang? malamang hindi mo pa naiisip ang mga botfriend/ Girlfriend noon unless may pinagdadaanan ko noon at marami kang issues sa buhay. <may problema ka>. Kaya para sa mga tao na hindi makamove on... huwag ninyo munang minamadali ang pagusad. nasaktan ka, damdamin mo lahat ng yan, pero wag kang magiistay dyan.

Nakakaadik ang Pagibig... ang sakit at saya na nararamdaman natin dito, ang lahat ng paulitulit na Euphoria at Pighati sa iisang segundo na mararamdaman... nakakaadik... paranng Heroine.

Ang tawag ko naman sa pag ibig na ito ay "Addiction". Isa rin yan sa mga tinutukoy kong hindi kumpletong Pagibig.

Ano nga ba talaga ang tunay na kahulugan ng pagibig?

hindi ko alam, at kung may nagsabi sayo na alam niya, batukan mo... hindi ko alam kung ano ang kahulugan ng tunay na pagibig dahil naniniwala akong kulang ang salita para mabigyang kahulugan ang definition ng tunay na pagibig... hindi ko alam ang kahulugan pero ang alam ni Buangoi ay kung paano magmahal.


Lahat tayo ay dapat maghanap ng mas nakakataas na uri ng pagibig.

Kung iniisip mo na dapat maghanap ka ng taong makakapagpabago sayo, o kaya naman iniisip mong mababago mo ang kasintahan mo. Pinaglalaruan mo lang ang kahulugan ng pagibig.

Hindi mo na dapat  baguhin ang kasintahan mo o kaya naman magpabago ka, dahil ang pagibig... nasa loob mo dapat yan... Bago ka magmahal ng iba,  dapat mo muna matutunang mahalin ang sarili mo diba?

Dun mo lang maaccept lahat ng kapintasan ng partner mo, dahil alam mo din sa sarili mo na madami ka ding kapintasan na tangap mo din dahil minahal mong una ang sarili mo. Nagmamature ang utak naten para sa mga emosyon na hindi naman kailangan minsan na maramdaman, Alam mo na sa sarili mo na hindi kayo perpekto, tangap mo yun kaya wala na kayong dapat pang baguhin pa.

Kung gusto mo pading baguhin ang Partner mo eh... hindi mo siya mahal sa kung sino siya, mahal mo ang potensyal niya.

Tangapin mo kung sino ka ngayon sa buhay mo. Maging masaya ka kung sino ka at alamin mong magiimprove ka pa sa future. Yan din ang ibibigay mong respeto dapat sa Partner mo.

Ang pagibig ay hindi dapat naghuhulma ng galit, pagkamakasarili, at pagkasakim. Hindi mo dapat minamanipula ito. Maiistress ka lang. Dapat sa pagibig ay relaxed ka, hayahay, malambing at vulnerable ka... dapat open ka sa Ideya ng pagibig.

Hindi ka dapat nahuhulog sa Pagibig... dapat buksan mo ang sarili mo sa pinakacomportable  mong position hangang sa ang Pagibig ang mahulog sayo. In that way magiging instrumento ka ng pagibig. Wala ka ng magiging pake kung hindi bumalik ang pagibig na binigay mo.


Love is Beautiful... Mas masarp magmahal kung alam mo kung paano...

Tuesday, September 16, 2014

Start of Thoughts

9/16/2014

Thinking of what to write pero wala naman pumapasok sa isip ko, So I thought na kailangan ko lang ipratice ang pagsusulat ko, gabi gabi na kasi itong feeling na " I am gonna write something something so beautiful that even my mind wont be able to understand its beauty" ... ayun hindi ko nga naintindihan mga pinagsusulat ko.

I really need an outlet for my thoughts... so I am gonna name this part of the segment...


"THE GREEN DOT ARISES"

May crush ako, at typical sa isang Pilipino na lalaki na nasa 23 years old na gusto na makahanap ng magandang trabaho at Girlfriend na maging torpe...

oo normal yun!! wag na kayong aangal... explanation ko dito ay dahil kung nagkaroon na sila ng GF dati at kakabreak lang, mahirap na makahanap. Mas madali kasi manligaw kung nasa school pa tayu. hindi nadin bumabata ang karamihan sa mga nasa edad na iyan kaya it's either pumopogi ka at tumatanda ka ng gusgusin. di tulad nung nasa school pa, hindi mo na kailangan ng mashadong exercise dahil madami kang activities na ginagawa . di tulad ng pag tambay ka na lang, tataba at tataba ka na lang hangang sa maisipan mo mag exercise para mabuhay ka pa ng ilang taon.

nawala na tayu sa usapan, kahit naman, wala din naman nagbabasa ng blog ko na to, so parang private na rin lang din, haha!

anyway, nakita ko siyang online nanaman sa FB nung isang gabi. tas naPotato moments nanaman ako... alam niyo ba yung pakiramdam ng isang patatas? ganito yan... tignan mo ang kamay mo... ng 10 minutes...

yan ang feeling ng isang patatas... hindi mo alam kung ano sasabihin mo, hindi mo alam kung ano gagawin mo, napakapamilyar naman nung kamay mo sayu bakit hindi mo siya kayang kausapin, at kung kinausap mo kamay mo, maaawkwardan ka lang kasi feeling mo hindi normal...

so ayun... patatas nanaman ako...


tinitigan ko lang yung Green dot sa tabi ng pangalan niya hangang sa mawala ito at sabihin sa loob looban ko "sayang" ... sabay hakot lahat ng mura na nahulog kakasigaw at pukpok sa ulo ko...

at sa susunod na segment ating talakayin ang kung ano ano ang pumapasok sa isip ni Buangoi... tawagin natin ang segment na ito na "Bakit green ang dahon ni Adan".

Marami akong gustong gawin sa buhay, tulad ng Maging mayaman at bumili ng isang rocketship para gumawa ng isang computer shop sa space na ako lang at mga astronaut ang makakasagap ng isang milyong bandwidth at walang lag...

Gusto ko din gumawa ng sarili kong channel sa youtube na magiinterview sa madaming tao tungkol sa buhay nila... madami akong gustong itanong sakanila at ipakita pa sa iba't ibang tao ang kanilang mga reaksyon. tulad ng mga tanong na "Does size matter?"  "Bakit Jejemon ka?" "Gwapo ba ako?" "sino pipiliin mo si chitae o si chiboy?" "sino si Chiboy?" "sino nagbabas ang Blog ko?" "Ano magagawa mo para matigil na ang prostitution sa Bansa naten? (tanong sa mga bugaw at prosti)" "Ano natutunan mo sa recess ngaun?" "Panget ba teacher mo?" at "Bakit ka sosyal?"

Gusto ko bilhin lahat ng album nila Justin Beiber, One Direction, Jonas Brothers at Chicser tas susunugin ko mga ito para ialay kay Lady Gaga.

Gusto ko lang sa buhay ay yakapin mo ako.

Sa dami ng gusto kong gawin sa buhay ko, ang life goal na naiisip ko ay kapag tinanong ako ng "sino ba si Buangoi?"

Ang maisasagot ko ay, "Writer/Painter/Sculptor/Dancer/Singer/Billionaire/Astronaut/Pilot/Teacher/ Producer/ Director/ Actor/ TV host/ Mayor/ Baker/ Nurse/ Doctor/ Computer Engineer/ Philantrophisr/ Mama's Boy.

nagulat ako sa haba ng naisulat ko ngayon. Alam niyo ba na nakakaadik ang pagsusulat para sakin. parang sigarilyo... sa una iisipin ko pa kung tama ba ang gagawin ko.. parang makaksama lang ito... ayoko gawin to. ayoko... tas pag nasimulan ko na, mahirap na pigilin pa... parang love lang... kung saan saan lang pumupunta mga pinagsasabi ko... para sa mga writers dyan, na hindi nakakawrite dahil sinasabi ng mga critic niyo na bobo kayo mag sulat at wag  niyo na ituloy ang binabalak niyo, at mashado kang mataba magpapayat ka na lang at baka mag ka GF ka pa yun na lang atupagin mo, at pangit ka kahit ano pang retoke gawin mo sa mukha mo kaya mag gym ka na lang atleast may pagasa ka pang maging hipon...

guys... isa lang tip ko sa mga writer na hindi makapag write na sinasabihan pa ng mga ganyang tao. kahit Editor in Chief pa sila, o kaya tanyag na writer. walang makakapagsabi sainyo na pangit ang ginawa niyo. kahit nanay mo. kaya kung may nagsabi man sayo na mali . ang. punctuation mo. . .

sunugin niyo bahay niya, kunin ang mga labi ng mga biktima sa loob, piturahan niyo ng puti, gawing statwa sa Rizal park ng Lingayen, at saplutan ng panty na may tagos sa ulo... sabay lagay ng karatula na "Sinita ko Period ni Buangoi"


Yan lang muna sa Ngayon... tititigan ko muna ulit ang "green dot" ...