Ngayong araw na to ay nagsimula na akong maging vegetarian, tinitignan ko ang aking kapasidad sa pagkain ng gulay. Para sa mga hindi pa nakakaalam ng mga food preferences ko, ito lang yan, madali lang naman ako pakainin, kahit ano naman ihain sa table ok lang sakin, wag lang isda, crab, o kaya kahit na anong lumalangoy at gulay.
So ang pagiging vegetarian ko ay isa sa mga pinakamahirap kong decision na ginawa sa buhay ko, Ginagawa ko ito dahil mahal ko ang sarili ko at feeling ko ay gabi gabi ng papalapit ng papalapit si kamatayan sakin kapag di ko pa ito ginawa.
Sa aking unang araw nakalimutan kong vegetarian ako nung almusal kaya kumain ako ng longanisa. hahahahha!!
So naisip ko na bumawi na lang sa lunch, nag hain sila ng pritong Liempo at Pakbet. naglalaway na ako sa Liempo pero hinigop ko lahat ng laway kong tumulo at kinain ko ang pakbet na nakahain sa harapan ko. di ko man lang tinikman ang liempo, pinannindigan ko ang aking sinabi sa pagiging vegetarian.
So nung mga alas kwatro na, sobra na ang gutom ko, eh nasa Simbahan pa naman kami, Umutang ako ng pera sa ate ko at lumabas saglit...
Ito na ata ang pinaka mahirap na desisyon na ginawa ko sa unang araw ko na pagiging vegetarian, naglalakad ako at natakam ako sa Chicken skin na niluluto sa labas ng simbahan, may kasama pa itong paborito kong atay na nilagyan ng breading at binudburan ng mantika sa ibabaw... so Naglaway nanaman ako, pero tulad kanina, hinigop ko ulit ang laway kong lumabas <SLURPP!!> at bumili ako ng Saging na lakatan... binalatan ko ang saging at inisip kong yun ang fried atay na nakita ko kanina, at naging rason kung bakit naging weird ang tingin sakin ng tindera ng saging dahil sa pagkain ko ng saging ng medyo nakakaakit. Weird nga... nawala ang gutom ko pansamantala at bumalik na ako sa simbahan para abutan ko kung ano man ang maabutan ko sa Misa.
Ang sermon ni Father kanina ay tungkol sa parable ng mga workers "the First shall be the last and the last shall be the first". Natuwa ako sa Sermon ni Father kaya medyo nawala na talaga ang aking kumakalam na sikmura.
Nang makarating kami sa sasakyan naramdaman ko nanaman ang aking gutom sanhi ng aking katangahan sa hindi na lang pagkain ng kanin kanina. Bobo kasi ako, wala akong imaginary friend para gabayan ako sa mga desisyon ko sa buhay.
Nagtanong si Papa, "San tayo kakain?", "HaLiVee!! <sabi ng pamangkin ko na tinutukoy si Jollibee>
"Gusto mo heart dun sa malaking Pizza?" sabi naman ng tatay ko sa nanay ko na tinutukoy ang Calda's Pizza, isang Pizzaria na nag seserve ng sobrang laki na Pizza.
"Agko labay heart, diman lad arom" <ayoko Heart, dun na lang sa iba> sabi naman ng nanay ko habang nagiisip kung saan nila kami papakainin... sa totoo lang madami pa ata silang sinabi na restaurant at mga specialty nilang dish, sinabi pa ata ng ate ko na gusto niya kumain dun sa Caloy's <specialty: lahat ng luto ng kambing> sikat yan dito saamin, kaso ayaw din nila dahil baka daw baha ang daan dahil sa bagyong Mario na kamakailan lang naparaan saamin. Hindi ko na napakingan yung iba dahil sa gutom ko, tinulog ko na lang para di ko marinig ang mga pagkain na nag sanhi ng panginginig ng aking mga kamay at pamumutla ng aking mukha.
"Sa Silantro na lang tayo" sabi ni mama, Ang Silantro ay isang Fil-Mexican Restaurant na sikat din dito sa lugar namin, masasarap ang mga pagkain dun tulad ng Taco, Nachos, Mahimahi, Quesadillas at Buritto, wala atang gulay dun pero nung narinig ko ang Silantro, nawala na ang aking dangal na pagiging vegetarian, gusto ko ng kumain ng baboy at beef!!! gusto kong sirain ang bawat karneng mahawakan ko gamit ang ngipin ko, budburan ng maanghang na sili lahat ng makitakong baboy at beef, kaya di muna ako tumitingin sa salamin. sumobra ang gutom ko...
Iniisip ko na kung ano ang kakainin ko, kung ano ang oorderin ko, halos memorize ko lahat ng karne sa menu nila. at matapos ko maglaway ay naisip ko na na oorder ako ng "BURGER" . kung alam niyo kung gaano kalaki ang burger nila, sabihin nating isang sukat sa kamay ang laki nito, at tumutulo ang cheese sa tabi ng burger na to, isang inch ang isang patty nito... but wait there is more!!! double patty siya !!! may malalaking fries sa gilid at may choice ka sa sauce ng Avocado, Garlic at Chili sauce. Yum... naiisip ko nanaman.. nagugutom nanaman ako...
So dumating kami sa Silantro... pagkababa ko inamoy ko ang simoy ng hangin ... pumasok kami sa loob ng restaurant... at inamoy kong muli ang simoy ng baboy... ang sarap!!! naamoy ko na ang pagkain na pumapasok sa bunganga ko... Wala pang upuan sa loob kaya umupo muna kami sa labas, nag bigay ang waiter ng menu.. kinuha ko lang ito at kunwaring hindi ko pa alam kung ano ang oorderin ko.. nung tinignan ko ito nalito pa ako kung ano talga ang oorderin ko dahil sa nakita kong tacos... pero hindi.. sabi ko sa isang lalaking lalaking boses.. "Burger po saakin" ...
So nagusapusap sila ulit at pinagalitan ng tatay ko ang waiter dahil hindi niya sinusulat ang order "isulat mo tas ulitin mo ang order mamaya sakanila" Pinayuhan ng tatay ko ang waiter sa pagkuha niya ng order namin at nagyosi siya saglit. nakita ng nanay ko na hindi niya sinusulat.
"bakit hindi mo sinusulat order namin?" tanong ng aking nanay...
"okay lang po, nakuha ko naman po, alam ko po" sabi ng matalinong waiter.
"sige pakiulit nga lahat ng inorder namin" sabi ng nanay ko..
"ahhh, quesadillas... tapos po... ahhh <silence>" sabi ng waiter
"oh tignan mo yan, isulat mo kasi" sabi ng nanay ko ulit sa matalinong waiter. Naglabas naman ang waiter ng ballpen at tissue sa loob ng kanyang bulsa, kunwari niyang sinusulat ang mga inorder sa papel, nakikita ko naman kung may sinusulat talga siya, gusot pa ung tissue niya kaya wala talaga siyang sinulat.
Binigay ulit ang order sa matalinong waiter... "BURGER saakin kuya!" inulit ko ang order ko dahil hindi niya sinabi.
"opo, burger po kay sir" yan naman ang tugon niya sa sinabi ko, nagusap muli sila ng nanay ko at mga kapatid ko habang iniimagine ko na kung paano ko kakainin ang burger na inorder ko...
uunahin ko ang fries.. isasawsaw ko sa lahat ng sawsawan na available at lalamunin ko lahat ito.. pipitpitin ko ang burger hangang sa magkasya na ito sa bunganga ko at kakagatin ko ito ng malalasahan ang lahat ng juice neto sa loob, ang beef ang garlic, silatro at cheese na nagsamasama pa sa iabgn juice ng burger na ito... naglaway akong muli...
nakaupo nadin kami, at binigyan kami ng mga tubig na may lemon sa loob... sarap! kinain ko ang lemon sa loob , haha, masarap eh.. naamoy ko nanaman ang pagkain...
unang dumating ang Fries na inorder, appetizer lang yan, sumunod ang masarap na beef nachos... hindi ako kumakain ng mga ito dahil feeling ko hindi ko mauubos ang burger kapag lumamon pa ako ng ibang putahe, sumunod ang pagkain ng kapatid ko, ang masarap na masarap na Quesadillas, tapos sumunod ang pagkain naman ng kasama namin sa bahay, inorderan siya ng napakalaking Burrito, malapit na siguro ang burger ko...
Dumating ang Taco na inorder ng bayaw ko, Beef/Lengua ang laman, natakam ako, dumating din ang Taco ng tatay ko pero mali ang binigay na order, ibinigay sakanya ay Pork/Lamb, eh ang inorder niya ay Pork/Lengua, nadismaya siya at binalik ang order. tapos dumating ang Seafood Skewered na inorder ng nanay ko at ate ko, barbecue ito ng pusit at shrimps. gutom na talaga ako at tinira ko ang konting fries...
Dumating din sa wakas...ang binalik na taco ng tatay ko... binuksan niya ito kung tama ang binigay sakanyang Taco at tinangal niya ang gulay at binigay sa nanay kong mahilig sa gulay...
Napansin kong patapos na silang lahat kumain... kaya naisipan kong sabihin ito...
"Kuya pa follow up naman ng burger"
tumugon siya ng gamit ang universal sign ng pagtugon sa tanong.. ang pag iling ng taas baba...
matapos ang 15 mins.. wala padin ang order ko... wala na akong marinig... pinapagalitan na ng nanay ko at tatay ko ang waiter...
"pakicancel na ang order ko.. kakainin ko na lang kung ano ang tira dito.."
may tirang 4 na kagat na burrito ang kasama namin,... yun ang tinira ko.. after 5 mins "sir palabas na po ung burger gusto niyo pa po ba?"
sa sobrang inis ko, gusto ko na umuwi... "pakicancel na .. ayoko na, nawalan na ako ng gana" yan ang sinabi ko sa manager kahit na gustong gusto ko talagang kainin pa ang burger...
naiinis ako sa waiter, nalaman kong nung finollow up ko ang order ko, dun laman niya pinasalang yung burger ko na hindi ko nakain... sabi kasi isulat...
umuwi akong gutom ... kumain ako ng tinapay pagdating dahil wala rin kaming kanin...
naalala ko pa na ako ang unang nag order... natawa ako...
tawa ako ng tawa... hahahha!
dahil ito ang naalala ko
"THE FIRST SHALL BE THE LAST AND THE LAST SHALL BE THE FIRST"
No comments:
Post a Comment