9/16/2014
Thinking of what to write pero wala naman pumapasok sa isip ko, So I thought na kailangan ko lang ipratice ang pagsusulat ko, gabi gabi na kasi itong feeling na " I am gonna write something something so beautiful that even my mind wont be able to understand its beauty" ... ayun hindi ko nga naintindihan mga pinagsusulat ko.
I really need an outlet for my thoughts... so I am gonna name this part of the segment...
"THE GREEN DOT ARISES"
May crush ako, at typical sa isang Pilipino na lalaki na nasa 23 years old na gusto na makahanap ng magandang trabaho at Girlfriend na maging torpe...
oo normal yun!! wag na kayong aangal... explanation ko dito ay dahil kung nagkaroon na sila ng GF dati at kakabreak lang, mahirap na makahanap. Mas madali kasi manligaw kung nasa school pa tayu. hindi nadin bumabata ang karamihan sa mga nasa edad na iyan kaya it's either pumopogi ka at tumatanda ka ng gusgusin. di tulad nung nasa school pa, hindi mo na kailangan ng mashadong exercise dahil madami kang activities na ginagawa . di tulad ng pag tambay ka na lang, tataba at tataba ka na lang hangang sa maisipan mo mag exercise para mabuhay ka pa ng ilang taon.
nawala na tayu sa usapan, kahit naman, wala din naman nagbabasa ng blog ko na to, so parang private na rin lang din, haha!
anyway, nakita ko siyang online nanaman sa FB nung isang gabi. tas naPotato moments nanaman ako... alam niyo ba yung pakiramdam ng isang patatas? ganito yan... tignan mo ang kamay mo... ng 10 minutes...
yan ang feeling ng isang patatas... hindi mo alam kung ano sasabihin mo, hindi mo alam kung ano gagawin mo, napakapamilyar naman nung kamay mo sayu bakit hindi mo siya kayang kausapin, at kung kinausap mo kamay mo, maaawkwardan ka lang kasi feeling mo hindi normal...
so ayun... patatas nanaman ako...
tinitigan ko lang yung Green dot sa tabi ng pangalan niya hangang sa mawala ito at sabihin sa loob looban ko "sayang" ... sabay hakot lahat ng mura na nahulog kakasigaw at pukpok sa ulo ko...
at sa susunod na segment ating talakayin ang kung ano ano ang pumapasok sa isip ni Buangoi... tawagin natin ang segment na ito na "Bakit green ang dahon ni Adan".
Marami akong gustong gawin sa buhay, tulad ng Maging mayaman at bumili ng isang rocketship para gumawa ng isang computer shop sa space na ako lang at mga astronaut ang makakasagap ng isang milyong bandwidth at walang lag...
Gusto ko din gumawa ng sarili kong channel sa youtube na magiinterview sa madaming tao tungkol sa buhay nila... madami akong gustong itanong sakanila at ipakita pa sa iba't ibang tao ang kanilang mga reaksyon. tulad ng mga tanong na "Does size matter?" "Bakit Jejemon ka?" "Gwapo ba ako?" "sino pipiliin mo si chitae o si chiboy?" "sino si Chiboy?" "sino nagbabas ang Blog ko?" "Ano magagawa mo para matigil na ang prostitution sa Bansa naten? (tanong sa mga bugaw at prosti)" "Ano natutunan mo sa recess ngaun?" "Panget ba teacher mo?" at "Bakit ka sosyal?"
Gusto ko bilhin lahat ng album nila Justin Beiber, One Direction, Jonas Brothers at Chicser tas susunugin ko mga ito para ialay kay Lady Gaga.
Gusto ko lang sa buhay ay yakapin mo ako.
Sa dami ng gusto kong gawin sa buhay ko, ang life goal na naiisip ko ay kapag tinanong ako ng "sino ba si Buangoi?"
Ang maisasagot ko ay, "Writer/Painter/Sculptor/Dancer/Singer/Billionaire/Astronaut/Pilot/Teacher/ Producer/ Director/ Actor/ TV host/ Mayor/ Baker/ Nurse/ Doctor/ Computer Engineer/ Philantrophisr/ Mama's Boy.
nagulat ako sa haba ng naisulat ko ngayon. Alam niyo ba na nakakaadik ang pagsusulat para sakin. parang sigarilyo... sa una iisipin ko pa kung tama ba ang gagawin ko.. parang makaksama lang ito... ayoko gawin to. ayoko... tas pag nasimulan ko na, mahirap na pigilin pa... parang love lang... kung saan saan lang pumupunta mga pinagsasabi ko... para sa mga writers dyan, na hindi nakakawrite dahil sinasabi ng mga critic niyo na bobo kayo mag sulat at wag niyo na ituloy ang binabalak niyo, at mashado kang mataba magpapayat ka na lang at baka mag ka GF ka pa yun na lang atupagin mo, at pangit ka kahit ano pang retoke gawin mo sa mukha mo kaya mag gym ka na lang atleast may pagasa ka pang maging hipon...
guys... isa lang tip ko sa mga writer na hindi makapag write na sinasabihan pa ng mga ganyang tao. kahit Editor in Chief pa sila, o kaya tanyag na writer. walang makakapagsabi sainyo na pangit ang ginawa niyo. kahit nanay mo. kaya kung may nagsabi man sayo na mali . ang. punctuation mo. . .
sunugin niyo bahay niya, kunin ang mga labi ng mga biktima sa loob, piturahan niyo ng puti, gawing statwa sa Rizal park ng Lingayen, at saplutan ng panty na may tagos sa ulo... sabay lagay ng karatula na "Sinita ko Period ni Buangoi"
Yan lang muna sa Ngayon... tititigan ko muna ulit ang "green dot" ...
No comments:
Post a Comment