Wednesday, September 17, 2014
ANO NGA BA ANG PAG IBIG (as explained by Buangoi)
Ano nga ba ang PAG-IBIG ?
Sa dami ng tao sa mundo, ganun din karami ang definition ng Love sa mundong ito... o baka mas madami pa. Marami din ang klase ng pagmamahal, pagmamahal sa kotse, pagmamahal sa pusa, pagmamahal sa aso, pagmamahal sa asawa, pagmamahal sa pagtatalik at madaming madami pang iba.
Kung tutuusin, lahat naman tayo gustong makatikim ng pagmamahal/pag-ibig, pero karamihan saatin ay hindi alam kung paano. So sa dami dami nating mga tao na gustong makatikim ng pagibig, karamihan saatin ay hindi pa nalalaman kung ano nga ba talaga ang "PAGIBIG" .
Ano nga ba?
...
Halos lahat tayo ay naimpluwensyahan ng kung ano man ang definition natin ng pagibig... ang kaisipan natin sa pagibig ay nangagaling sa mga napapanuod nating Drama, Romantic Comedy, mga napapakingan nating kanta, mga kwento ng pagibig tulad ng mga fairy tales at mga nababasa natin sa internet at libro.
Dahil sa pagiisip natin ng mga ganyang definition tungkol sa pagibig. Yan din ang nagiging rason kung bakit tayo malimit na nasasaktan sa pagibig. Gumagawa tayo ng sitwasyon kung saan gusto nating matikman kung gaano kasarap ang mahalin ni Coco martin sa pelikula. Nageexpect tayo na maging mala Dao Ming Su sa diskarte ang mga galawan sa panliligaw ng mga lalaki. Hindi niyo man aminin pero yan ang impluwensiya ng mga nababasa at napapanud ninyo sa pagibig ninyo. Yan din ang malimit na rason kung bakit ka nasasaktan sa pagibig... dahil nageexpect ka.
Ang ideya na ito ay maraming lamat, Madaming kapintasan, Madaming pagkukulang, in short... Hindi ito perpekto... nakabase lamang ang ideya na yan sa pagmamayari mo sa pagibig at kasakiman mo dito... in short, selfish ka...
"Mahal kita... kaya lahat ng status mo dapat para saakin... ang prof pic mo dapat tayong dalawa o dapat tungkol sa ating dalawa na masaya ka... dapat yung dinodrawing mo ako... dapat tinetex mo ako kada segundo para malaman ko kung ok ka lang... kasi nga mahal kita..."
Alam niyo naman na siguro kung ano na ang tawag sa Pag-ibig kuno na yan...
Clingy... clingy ka, possesive ka. Para saakin narcissistic ka din kung clingy ka dahil lahat na lang gusto mo tungkol sayo. Hindi ko masasabing hindi yan pag-ibig... pero kinaclassify ko yan sa mga pagibig na hindi puro.
Ganito ... Gusto ko magisip ka ngayon ng isang taong kinamumuhian mo talaga...
karamihan saatin ay sasagutin ay mga EX nila.
bakit?
kasi dati mo siyang minahal... kasi dati mo na siyang kasama kumain ng fishball sa daan, chicharon bulaklak hangang sa sumakit ang mga batok ninyo, kaholding hands sa mall, kasama mong bumili ng napkin sa sarisari store, with wings pa, siya yung ginawan mo ng love letter nung subject mo sa Physics. Minahal mo siya...
Eh bat ngayon ayaw mo na siyang makita? ayaw mo na siyang makasama? bakit ang bilis naman ata ng transition ng pagmamahalan sa pagpatayan...
Talking about patayan, Alam mo ba na karamihan sa mga nagpapatayan ngaun o mga murder ay tungkol sa mga magasawa? madami nading rape, mga magsyota na nagpapatayan... meron pa akong nabasa na pinatay niya yung anak nila tas pinost sa FB ung patay nilang anak. Meron din yung ninakaw niya sa morgue ung girlfriend niya tas pinost niya sa lahat ng subscription niya sa mga social media.
Bakit bigla na lang nagiging Hate ang Love?
kasi hindi love yun.
karamihan sa mga nakatikim na ng pagibig... ay naadik sa feeling na ito. Gusto mo laging may kasintahan, dahil naadik ka sa feeling ng pagibig... kaya hindi ko masisisi ang mga taong mabilis makahanap ng kapalit. Ayaw mo mabakante dahil gusto mo yung feeling na laging may nagmamahal sayo.
May mga tao din na hindi makamove on kahit ilang taon na silang break ng huli nilang kasintahan. Umaasa na maibabalik pa nila ang dati nilang pagmamahalan. Ito ang bad news ko para sa mga tao na yan. Hindi mo na maibabalik yun... "Love is dynamic" lagi yan nagpapalit, lagi nagbabago, ang definition mo ng love ngayon ay magbabago din over time. Hindi yan permanente, isipin mo na lang kung ano ang definition mo ng Love noong 7 years old ka pa lang? malamang hindi mo pa naiisip ang mga botfriend/ Girlfriend noon unless may pinagdadaanan ko noon at marami kang issues sa buhay. <may problema ka>. Kaya para sa mga tao na hindi makamove on... huwag ninyo munang minamadali ang pagusad. nasaktan ka, damdamin mo lahat ng yan, pero wag kang magiistay dyan.
Nakakaadik ang Pagibig... ang sakit at saya na nararamdaman natin dito, ang lahat ng paulitulit na Euphoria at Pighati sa iisang segundo na mararamdaman... nakakaadik... paranng Heroine.
Ang tawag ko naman sa pag ibig na ito ay "Addiction". Isa rin yan sa mga tinutukoy kong hindi kumpletong Pagibig.
Ano nga ba talaga ang tunay na kahulugan ng pagibig?
hindi ko alam, at kung may nagsabi sayo na alam niya, batukan mo... hindi ko alam kung ano ang kahulugan ng tunay na pagibig dahil naniniwala akong kulang ang salita para mabigyang kahulugan ang definition ng tunay na pagibig... hindi ko alam ang kahulugan pero ang alam ni Buangoi ay kung paano magmahal.
Lahat tayo ay dapat maghanap ng mas nakakataas na uri ng pagibig.
Kung iniisip mo na dapat maghanap ka ng taong makakapagpabago sayo, o kaya naman iniisip mong mababago mo ang kasintahan mo. Pinaglalaruan mo lang ang kahulugan ng pagibig.
Hindi mo na dapat baguhin ang kasintahan mo o kaya naman magpabago ka, dahil ang pagibig... nasa loob mo dapat yan... Bago ka magmahal ng iba, dapat mo muna matutunang mahalin ang sarili mo diba?
Dun mo lang maaccept lahat ng kapintasan ng partner mo, dahil alam mo din sa sarili mo na madami ka ding kapintasan na tangap mo din dahil minahal mong una ang sarili mo. Nagmamature ang utak naten para sa mga emosyon na hindi naman kailangan minsan na maramdaman, Alam mo na sa sarili mo na hindi kayo perpekto, tangap mo yun kaya wala na kayong dapat pang baguhin pa.
Kung gusto mo pading baguhin ang Partner mo eh... hindi mo siya mahal sa kung sino siya, mahal mo ang potensyal niya.
Tangapin mo kung sino ka ngayon sa buhay mo. Maging masaya ka kung sino ka at alamin mong magiimprove ka pa sa future. Yan din ang ibibigay mong respeto dapat sa Partner mo.
Ang pagibig ay hindi dapat naghuhulma ng galit, pagkamakasarili, at pagkasakim. Hindi mo dapat minamanipula ito. Maiistress ka lang. Dapat sa pagibig ay relaxed ka, hayahay, malambing at vulnerable ka... dapat open ka sa Ideya ng pagibig.
Hindi ka dapat nahuhulog sa Pagibig... dapat buksan mo ang sarili mo sa pinakacomportable mong position hangang sa ang Pagibig ang mahulog sayo. In that way magiging instrumento ka ng pagibig. Wala ka ng magiging pake kung hindi bumalik ang pagibig na binigay mo.
Love is Beautiful... Mas masarp magmahal kung alam mo kung paano...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment