Sino nga ba si Hilario Cabuang?
Nakikilala si Hilario Cabuang sa madaming klaseng pangalan, pero ang pinaka kilalang pangalan niya ay “Larry” . Madami siyang kayang gawin na hindi ko pa alam ang iba. Sasabihin ko sainyo ngayon kung sino nga ba talaga si Hilario Cabuang ayon sa aking pagsasaliksik sa kanyang napakamaganda at magulong buhay ng sining, pagibig at paghahanap sa natatagong yaman ni Yamashita.
Si Hilario Cabuang ay isang “Artist”
Sa lahat ng artist sa buong mundo siya ang number one ko. Siya na ang pinakamagaling na Painter/Sketcher/Designer na nakita ko. Madami siyang nagawang obra na nabubuhay pa hangang ngayon. Naswertehan ko nga dahil meron akong isang painting niya na nakasabit sa sala namin ngayon. Mahigit 1 decade nadin ang tanda niya at ipamamana ko pa ang painting na iyan sa mga anak ng anak ko at anak nila... hangang sa nabubuhay pa ako, gusto ko ipaalam sakanila kung gaano kahalaga ang painting na yun saakin, dahil ginawa iyon ng paborito kong Artist.
<yun yung painting sa likod ng ate kong nagphotobomb>
Kilala siya dati sa Dagupan as taga gawa ng mga logo/designs at kung ano ano pa na nangangailangan ng kulay at pinta. Hindi nakatapos ng colehiyo si Larry pero sa sobrang talentado niya, nagawa niya paring gawing hanap buhay ang pagmamahal niya sa sining at cultura. Siya daw ang may gawa sa logo ng “Rang-ay bank” at madami pang iba. Siya ang nagdesign at nagtulong ipatayo ang CSI square sa Dagupan, pero hindi dwa siya binayaran ng mga hinayupak... dahil sa stress na iyon, dinamdam ito ni Larry at balita kong yun din ang nakapagpalala ng kanyang heart condition.
Si Hilario Cabuang ay isang “Poet”
Sa aking pagkakalkal ng mga lumang sulat ni Larry ay nahanap ko ang iba't ibang klase ng kanyang pinagsusulat noong nasa Dubai siya. Halos araw-araw niyang sinusulatan si Bernardita, natinatawag niyang “Makong” sa mga sulat niya. Karamihan doon ay mga malalalim na English na Tula para kay Badette. Kung paano niya sinulat ang mga verso niya ay nakapanglalambing sa puso. Ramdam mo ang bawat galit sa panahon ng pagkamiss niya sa kanyang mga minamahal. Mararamdaman mo ang uhaw niya sa mga halik ng kanyang asawa at anak. Ramdam mo ang bawat pawis na iginugugol niya sa ibang bansa para makagawa ng pera para sa lahat ng mga mahal niya sa buhay.
Si Hilario Cabuang ay isang “Lover”
Sa edad na terenta, hindi mo akalaing magkakaroon ang isang tao ng pangalawa pang asawa. Nagkaroon siya ng 3 anak <Topher, Goey at April> sa unang asawa niya <Josephine> pero sa hindi malinaw na paliwanag sakin kung bakit sila naghiwalay ay nakahanap pa si Larry ng bagong mamahalin sa buhay <Badette> na nagkarron muli siya ng dalawang anak <Itchi at Badine> .
<Isang araw naisipan ni Bernardita maging sofa>
Hindi naman daw babaero si Larry, sadyang mapagmahal lang siya sa mga babae. Na namana din ng kanyang mga anak ang kanyang pagmamahal <daw> . Ibang klase siguro magmahal si Larry kaya nakaya niyang makagawa ng isang malaking pamilya. Awa ng Diyos ay sa gulo ng pinasok ni Larry na yan ay naging maayos naman ang kinalakihan ng kanyang mga anak. Naging malapit pa sila sa isa't isa na hindi parang hindi man lang nagkaroon ng Gap sakanilang magkakapatid... sabi nga nila sa isa't isa “Cabuang ka nga” .
Si Hilario Cabuang ay isang “Tatay”
para sa mga iba sa inyo na kilala na kung sino siya... malamang alam niyo na hindi na naparirito sa mundong ito ang Tatay ko na si Larry...
isa siyang mapagmahal na Ama para saakin kahit na hindi ko siya masyadong nakilala dahil nauna na siya sa langit noong limang taong gulang lang ako... pero naaalala ko padin ang pag sakay ko sa likod niya tuwing gabi... ang popcorn na dinadala niya para saamin ng ate ko kapag late na siya dumadating sa bahay... at pagdidisiplina niya...
alam niyo noon ay nagbulsa kami ng ate ko ng “Bubble Jug”, isang bubble gum na sobrang bango na nakalagay sa isang jug na sikat na sikat noong aking kabataan, sa isang convenience store dati... paguwi namin ng bahay ay inilabas namin ang bubble jug sabay sabi kay Larry na “Papa! Surprise oh!!!” … ayun... nasurprise nga siya... hindi niya kami pinalo... pinagsabihan lang kami, nagdrive siya muli pabalik sa convenience store at pinatayo kami sa harap ng counter... pinagsorry niya kami ng malakas... “sige mag sorry kayo” siyempre kami naman ng ate ko hagulgol... “sorry po” na may kasamang luha na hindi maintindihan... “hindi maintindihan!!!” pagalit na sinabi ng tatay namin na galit na galit... nakikita kong pinagtatawanan na kami ng ibang bata at mga nanay nilang nakangisi... “sorry po” … bigkas ng aming maliliit na bunganga muli... “ang hina!! lakasan niyo!!” sabi nanaman ng tatay namin... “SORRY PO!” napasigaw ako... pero akala ko tapos na … “bakit kayo nagsosorry???” aba matinde!!! sobra nahiya namin gusto niya pang ipagkalat naming nagnakaw kami... “ka.. ka... kasi po... kinuha po namin yung... yung... babol gam!!” ahuhuhuhu... ganyan... medyo exagerated daw yang version ko pero sa isip ko ganyan mismo ang nangyari noong gabi na yun...
Kung sakaling magnakaw din ang aking mga anak, gusto kong gawin sakanila ang ginawa ng tatay ko saamin...
Birthday ngayon ng tatay ko, at bago matapos ang araw na ito, gusto ko sanang maalala siya ng mga tao kung sino nga ba talaga siya... siya ang pinakaastig na tatay na kahit hindi ko nakilala mashado sa personal ay napamahal padin ako dahil sa mga nagawa niya sa buhay...
yan naman tayo diba? Gusto nating maalala tayo kung ano ang nagawa natin sa buhay... kaya gusto ko ihalintulad ang sarili ko sakanya na gumagawa ng mga hilig niya sa buhay at nagiging tatak “Cabaung” ang mga ito...
Ikaw? Ano gusto mong maalala say'o?
No comments:
Post a Comment